THE THEATRE MASKS
My world is my art and i can do whatever i want.
Biyernes, Setyembre 16, 2016
Ang ikalawang pagkatao
Tahimik ang gabi, wala akong ganang makipag usap sa mga taong nakapaligid sa akin. Ang kaligayahang inakala ko at pinaniniwalaang mapapalago ay tuluyan ko ng isinuko. Alam kong dapat binigyan ko ng pagkakataon at nilaanan ng oras para tanggapin at dibdibin ngunit batid ko na mula sa kaloob looban ng aking pagkatao ay hindi ko ito magagampanan. Hindi ako naging patas sinabi ko na ang pakiramdam na ito ay matagal ko ng inaasam para sa sarili ko, pero nagkamali ako. Walang sinuman ang makakatanggap nito dahil maging sa sarili ko ay kusang bumibitaw ang pakiramdam na ito. Gusto kong lumigaya, gusto kong maging malaya at maging masaya, ngunit ako ay nasasakluban parin ng mga pait mula sa nakaraan. Ako ay isang ipokrito at walang respeto sa sarili. Ako ay mapanlinlang, at mapag balat-kayo. Ako ay sinungaling dahil pinaniniwala ko ang sarili ko sa mga bagay na inaakala kong natatamasa ko. Hindi ko na alam kung paano hanapin ang sarili ko sa pagkakaligaw, pagod na akong sumubok, sawa na akong umasa sa mga bagay na pinipilit kong matamo. Malimit kong murahin ang sarili ko dahil sa kabila ng mga inaani kong papuri at respeto sa tao ay hindi ito nagiging sapat para paniwalaan ko. Depektibo na ata ang utak ko sa kamalayang inaasahan ko na makakabuti at makakapag paligaya sa akin. Nakasisiguro ako na walang alam ang mga taong nasa paligid ko, hindi nila aakalain na ganito na ang saloobin ko. Kilala nila ako bilang masiyahin, mapagbiro, may kapilyuhan at matatag na tao. Malamang yun ang alam nila dahil halos araw araw kong ipinapakita ito upang mapagtakpan ang sakit na nararamdaman ko na paulit ulit kong tinatakasan. Ang pagkabigo kong ito ay akin na mismong kagagawan, muntik na akong magmahal ngunit alam ko na mayroong masasaktan, hindi ko kakayaning makasakit ng kalooban ng kahit sinuman dahil mas nanaisin ko pang parusahan ang sarili ko kesa mandamay ng tao at maipit sa mga bagay na aking nararanasan. Malakas akong tao sa pisikal pero matagal ng gumuho ang aking kalooban, natakasan ko na ito noon ngunit hinahatak ako ng paulit ulit para pahirapang muli, manhid na ako sa sakit, pagod na ang utak kahit ayaw magpagapi, hikahos na ang puso pero pinipilit na magbunyi... Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar.. Patawad sa taong aking nasaktan, sa tingin ko ay mas makakabuti sa atin ito.. Wala ng positibong pumapasok sa utak ko sa panahong ito, paglalaanan ko ng oras at araw ito para mas lubusang maintindihan, ayokong sumuko pero wala na akong maisip na ibang paraan..
Miyerkules, Agosto 31, 2016
Huling Paalam
Minsan may mga bagay na sadyang mahirap kalimutan, lalo pa kung ang alaalang iyon ay nagdulot ng malalim na epekto sa buhay mo, alaala ng nakaraan na tumagos hangang buto. Hindi ito tungkol sa sakit na naranasan kundi tungkol sa magandang naidulot sa iyong pagkatao upang makilalang muli ang sarili mo. Isang dahilan na bumago sa buhay mo kung nasaan ka mang estado ngayon. Mayroong kasabihan na "Walang mali sa ginawa mo basta't ibinigay mo ang lahat ng makakaya mo ang importante rito ay kung paano ka natuto sa mga pangyayaring iyon".
Hindi ko na kailangang ungkatin ang madilim kong nakaraan para ibahagi pa dito. Ang dahilan ng pagsusulat na ito ay tungkol sa pagmamahal, pagibig sa isang babae na minahal ko ng husto. Isa sya sa nagbigay ng malaking epekto sa buhay ko at kung bakit ako naging matatag hangang sa panahon na ito.
Nakilala ko sya dahil sa isang kaibigan dahil bokalista sya sa banda ng nasabi kong kaibigan. Hindi ko makakalimutan ang unang beses naming pagkikita. Napaka ganda nya, sya yung tipo na maiilang ka dahil iisipin mong suplada at hindi ka kailanman kakausapin. Mayaman ang pamilya nila at medyo englisera sa mga pagkakataon na nagsasalita sya. Sa isang tulad ko na hindi gwapo at walang kumpiyansa sa sarili ay malabo na maging kaibigan ang isang katulad nya. Alam ko sa sarili ko na nung unang beses ko syang nasilayan ay nakaramdam na ako ng kakaiba, inaamin kong sa unang pagkakataon ay nagustuhan ko sya agad. Madalas akong manood ng tugtog nila at mga ensayo, nakakalimutan ko ang responsibilidad ko sa sarili kong banda dahil mas binibigyan ko ng panahon na makapanood sa kanila. Hindi sya supladang babae, mas madalas pa nga na ako ang hindi makabati sa kanya dahil sa hiya. Wala akong alam na naikukwento ako sa kanya ng kaibigan ko. Mga kwento na tipong isa akong bokalista sa banda, magaling sumulat ng kanta, maraming talento sa sining at kung ano ano pa. Hindi kasi ako yung tipo na kahit alam kong may mga talento ako sa bagay ay kailangan kong ipagsigawan sa iba para lang mapansin pero wala akong kaalam alam na interesado din pala sya na makausap ako at tanungin sa mga bagay na nalaman nya. Mahaba ang buhok ko nung panahon na yun at galing ako sa isang aksidente kaya naka semento ang kaliwa kong braso. Nagkataon na may tugtog sila noon sa Tagaytay at ako naman ay naimbitahan para manood. Hinding hindi ko makakalimutan kung ilang beses nya ako binati at kung okay na daw ba ang kalagayan ko. May pagkakataon na lumabas din sya sa venue para kausapin ako habang nagsi-sigarilyo, bagay na ikinagulat ko dahil sino ba naman ang ganung kagandang babae na makikipag usap sa mukhang sanggano na kagaya ko. Nagkaron kami ng mga maigsing palitan ng kwento at ramdam ko na kumportable syang kausap ako. Napapatawa ko sya sa mga hirit ko kahit alam kong corny na yung ibang sinasabi ko, dun nagsimula na hindi na ako gaano naiilang sa kanya.
Makalipas pa ang ilang linggo mayroon silang tugtog sa Las PiƱas at hindi ako nakapunta dahil meron din akong tugtog sa Manila kasama ng banda ko. Hindi ko alam na ipinarinig ng kaibigan ko sa kanya yung CD namin. Nung gabi ring iyon ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya na hindi ko inaasahan na hiningi nya pa ang number ko para lang sabihin sa akin kung gaano sya napabilib sa mga kanta ko. Isang bagay na hindi ko pinalagpas dahil para sa akin isang pagkakataon na yun para matxt sya at makakwentuhan. Mula noon madalas na kaming mag usap sa txt at may pagkakataon na tinatawagan ko sya pag nasa trabaho ako, narinig ko din ang pagtugtog nya ng piano at yung mga nasulat nyang kanta at recordings, napaka ganda ng boses nya sobrang lalo akong nahuhulog sa kanya.. Naisip ko na sobrang bagay kami dahil pareho kami ng talento at madami kaming napagkakasunduan. Nakikilala namin ang isat isa at kung ano ang mga hilig namin sa mga bagay bagay at kung anu ano pa. Madalas ko syang kamustahin na kung kumain na ba sya o kung anuman at agaran naman akong nakakatanggap ng sagot mula sa kanya.
Isang beses ay naisipan kong dumalaw sa bahay nila minsan nya kasing nasabi na gusto nya daw makita yung mga drawings ko kaya sinamantala ko na yung pagkakataon. Nadarag ako sa bahay nila nang pumunta ako dahil dun ko ulit naisip na mataas na antas ang pamumuhay nila at ako naman ay nasa normal at simple lang. Ipinakilala nya ako sa nanay nya at ipinakita pa ang mga drawings ko dito. Hindi ko alam ang gagawin ko parang gusto kong maglaho nalang o umuwi na dahil hindi talaga ako sanay at nahihiya ako para sa sarili ko. Maya maya ay niyaya nya ako sa labas, sinabi nya sa akin na "alam kong nape-pressure ka kaya niyaya na kita lumabas. Kung gusto mo magkwentuhan tayo sa kotse mo at mag drive tayo sa subdivision." Nakahinga ako ng maluwag at dali daling sumagot ng "tara".
Seryoso ang mga usapan namin, ramdam kong may gusto syang sabihin at ako rin sa kanya. Hindi ko gawain ang magpanggap, prangka ako makipag usap at minsan hindi ko mapigilan ang bibig ko para hindi sabihin ang nararamdaman ko. Inamin ko sa kanya na gusto ko sya mula pa nung unang beses na nakilala ko sya. Sinabi ko na hindi ko makalimutan yung sa Tagaytay at kung bakit lagi akong nanonood ng ensayo nila at tugtog. Alam ko na dahil sa mga bagay na isiniwalat ko ay maaring mailang na sya sa akin at malamang hindi na ako kausapin matapos ang aking rebelasyon. Alam kong may boyfriend sya kaso hindi dito nakatira sa Pilipinas, Ibang lahi at dalawang taon na silang magkarelasyon, LDR at madalas sila magusap online. Handa na ako sa isasagot nya, Alam kong ito na ang katapusan ng aming bagong pagiging magkaibigan. Naniniwala kasi ako na kung talagang gusto mo ang isang tao ay dapat mong ipaalam sa kanya ang tungkol dito kesa itago nalang at pagsisihan balang araw na hindi nya man lang nalaman ang tunay na nararamdaman mo. Pero mali ako sa inaasahan ko, hindi ako makapaniwala sa mga isinagot nya, inamin nya na pareho din sa nararamdaman ko ang nararamdaman nya. Gusto kong sumigaw at magtatalon sa tuwa sa sobrang gulat, sinong magaakala na ang mukhang sangganong ito na may mahabang buhok ay gugustuhin at bibigyan ng pagtingin ng isang diyosa ng kagandahan.
Hinawakan ko ang kamay nya, pareho kaming parang nakuryente, di ako naniniwala sa ganun pero seryoso nakaramdam kami ng kuryente. Hinalikan ko ang kamay nya hindi ako makapaniwala na nahawakan at nahalikan ko ang kamay ng taong pinapangarap kong mapasa-akin. Nagtama ang aming mga labi sa loob ng sasakyan habang kami ay nakapikit, hindi ko mapigilan ang kilig na nararamdaman ko, sinabi ko sa sarili ko na kung panaginip ang lahat ng ito pakiusap wag nyo na akong gigisingin dahil pwede na akong mamatay.
Maraming komplikasyon sa sitwasyon, una na dito na mayroon syang kasintahan at ako ang kabit na sisira sa magandang relasyon na meron sila. Alam naming may mali sa parte nya pero dahil di namin mapigilan ang nararamdaman namin ay ipinag patuloy namin ang relasyon naming dalawa kahit masakit para sa akin na pag dating ng gabi ay magkausap sila online. Mahirap para sa akin pero alam kong mas mahirap para sa kanya. Ilang beses naming itinigil ang kung anong meron kami pero ilang ulit din kaming bumabalik para sa isat isa. Bagay na di namin mapigilan. Aminado akong sobrang mahal ko sya at hindi ako nagsasawang sabihin sa kanya ito araw araw. Nagpatuloy kaming ganun, maraming pangyayari sa amin na masasabi kong masayang pangyayari sa buhay ko. Kahit pagod ako galing trabaho ay hindi ako napapagod para sa amin at hindi matatapos ang araw na hindi kami magkikita sa napili naming tagpuan.
Sobrang saya naming dalawa nanggaling sya sa bahay at ipinakilala ko sya sa magulang at kapatid ko. Masaya ang mga kwentuhan namin sa araw na ito. Inihatid ko sya na nakangiti kaming pareho. Umabot ang madaling araw at dumating sa amin ang bagay na kinatatakutan namin at magiging dahilan ng pagtatapos naming dalawa. Inamin nya na ang lahat lahat sa kasintahan nya dahil hindi nya na kayang magsinungaling dito at hindi na kaya ng konsensya nya ang panloloko na nagagawa nya. Hindi nya kaya na may nasasaktan dahil sa aming dalawa. Hangang sa dumating sa punto na tinawagan ako ng kasintahan nya mula sa ibang bansa. Laking gulat ko ng humagulgol ito sa akin at nakiusap at nagmakaawa na hiwalayan ko ang kasintahan nya. Hindi nya kakayanin pag nawala sa kanya ang tao na pinakamamahal nya. Hindi ko maipaliwanag pero napabilib ako sa sinabing yun ng kasintahan nya, ramdam ko kung gaano nya kamahal ang babaeng minamahal namin. Alam ko ang pakiramdam dahil nagmamahal din ako ng totoo. Para sa akin pagiging tunay na lalake ang magpakita ng kahinaan nya para lang mailigtas ang taong mahal nya. Hindi ko alam ang isasagot ko, ayokong isuko ang lahat dahil lang sa tawag na iyon, pero sinabi ko na walang ibang makakapagdesisyon sa amin kundi ang babaeng pinaglalabanan namin. Sinabi ko sa kanya na kahit ano ang maging desisyon nya, masakit man o hindi ay lubusan kong tatanggapin.
Ilang araw ang lumipas na hindi kami naguusap at nagkikita. Alam kong nahihirapan sya at di ko matanggap na nasasaktan sya at umiiyak, pero wala akong magagawa. Lumipas pa ang araw at nakatanggap ako ng txt mula sa kanya na kung pwede daw ay magkita kami sa Shell kung saan kami madalas magkita at tumambay. Hindi ko alam kung eto na ba ang huli o ngayon ang araw na sasabihin nyang ako ang pinili nya. Bagay na ipinagdarasal ko mula nung mangyari yun, sana ako nalang ang piliin nya.
Mahaba ang aming usapan, maraming beses na kinakalma ko sya sa pag iyak, sobrang nahihirapan sya, mahal nya ako at mahal nya din yung isa. Sinabi ko na hindi ako magsasalita, gusto kong malaman sa kanya ang desisyon. Handa kong tanggapin ang isasagot nya basta galing ito sa tunay na nararamdaman nya.
Masakit, ang sakit sakit pala.. Hindi ko alam ang gagawin ko parang bumagsak ang kalangitan sa akin nang sabihin nya na hindi ako ang pinili nya. Gusto kong maiyak kaso matagal na akong may problema sa mata, hindi ako nakakapag labas ng luha mulat sapul. Pero ramdam ko na humahagulgol ang puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pero hindi, hindi nya dapat malaman to, kasi mas mag aalala din sya pag nalaman nyang hindi ko kinakaya. Mas pipiliin kong mabawasan yung bigat na nararamdaman nya. Pinilit kong magsalita ng normal sa kanya, sinabi ko sa kanya na "Alam mo ba ang masakit sa akin? masakit sa akin na nahihirapan ka at nasasaktan.. Mahal na mahal kita kaya ibibigay ko sayo kung saan ka magiging masaya.. Hindi ko alam kung hangang kailan ko dadalahin ito pero para sayo pipilitin ko, basta magiging masaya ka ibinibigay ko na sayo ang kalayaan mo".
Durog na durog ang puso ko, ngayon lang ako nasaktan ng ganito matagal na panahon kong dinala ang sakit at pinipilit nalang na mabuhay. Inisip ko nalang lahat ng masasayang alaala nung kami pang dalawa.
Minsan may darating sa atin at masasabi nating ito na yun! sya na ang babae para sa akin. Pero sadyang palabiro ang tadhana hindi lahat ay magtatapos sa maganda pero ituturo sa atin kung paano tatanggapin ang lahat upang magpatuloy sa buhay. Matututo ka at makalipas ang ilang taon, makakabangon ka at magiging mas matatag at muling makakahanap ng bagong magpapasaya sa iyo.
Ito ang huling liham na natanggap ko mula sa kanya..
Makalipas ang tatlong taon ikinasal ako at nagkaroon ng anak, hindi ko pinagsisisihan ang lahat dahil kung hindi nangyari lahat yun ay hindi ko makikilala ang napangasawa ko at hindi ako magkaka anak na mahal na mahal ko. Hindi rin happy ending ang nagyari sa amin dahil makalipas ang limang taon na pagsasama ay naghiwalay din kami ng nanay ng anak ko na umabot sa punto na mapawalang bisa na ang kasal namin. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, lilipas ang panahon at maghihilom din ang mga sugat. Wala tayong dapat pagsisihan sa mga nangyari. Walang mali, nagamahal ka lang kaya ganun. Ngayon masaya ako sa kinalalagyan ko, kasama ang anak ako na nagbibigay sa akin ng pagasa at nagpapaalala sa akin na hindi ito ang katapusan at mas maging matatag pa sa hamon ng buhay.
12 years na nang mangyari sa akin ang kwentong nakasaad dito. Alam kong masaya na sya sa piling ng kanyang asawa sa ibang bansa na walang iba kundi ang lalaking pinili nya. Hindi rin naging mali ang desisyon na pakawalan sya dahil kahit hindi naging kami sa huli ay nagawa kong isuko sya sa taong magpapasaya sa kanya at mag mamahal ng wagas.
Inaamin ko na sya yung babaeng minahal ko ng sobra noon, sinabi ko din noon na sya ang tadhana ko. Kung maibabalik lang ang panahon ay babalik ako sa taon na hindi pa sila ng kasintahan nya para lang kami ang magkatuluyan, pero kalokohan na yun, hindi pelikula ang buhay para paasahin tayo sa pantasya na hinahangad natin sa katapusan. Mas masakit manakit ang katotohanan at lahat tayo ay walang lusot dito.
Itong naisulat ko ay para sa kanya, para sa pagturo sa akin kung paano maging matatag at mabuhay ng muli. Nailahad ko na ang lahat dito at wala na akong masasabi pa sa kanya kundi.. Paalam at Salamat...

08/07/04 at 3:12 PM
Huwag mong kalilimutang mahal kita. Magpakatatag ka,.
Lagi kitang iniisip.
Ito na yung huling sulat ko sayo. Iaattach ko na lang ha.
Mag-ingat ka lagi.
Kabababa lang natin nung telepono. Isa yon sa
pinakamalungkot na panahon ng buhay ko.
O sya sya. Tama na nga, i-attach ko na lang to.
Love you.
---.
07 August 2004
12.20 pm
Dear Darwin,
Wow, susulat ako, this time tatagalugin ko para mas maramdaman mo yung tunay na nilalaman ng puso ko, drama no? Kamusta ka? Sana okay ka lang. Ako, ewan ko na. Tagal ko nang di okay. Pero huwag kang mag-alala, buhay pa naman ako, diba? ( Soooo, ba't nga ba ako sumusulat. Pinapakinggan ko yung mga kantang ginawa mo para sa akin. Sa tingin ko alam mo na. Matagal na nating ginagawa to e. Magpapaalam na ako ulit, sa kahuli-hulihang pagkakataon. Shit, sakit.
Nag-usap kami ni ---- kaninang umaga. Hindi na ako nakapasok ngayon. Pinagtapat ko na sa kanya yung mga nangyari sa atin. Sinabi kong naging close tayo ng ganon, pati yung physical na pagiging close, yung nangyari sa atin na di nya na dapat malaman kasi masasaktan lalo sya, lahat lahat. Sorry, Hindi ko kasi kayang magsinungaling e.
Alam kong maikli lang yung naging pagsasama natin, pero hindi ko iyon malilimutan. Shit, di ko mapakinggan yung Only One nang di umiiyak. Ang dami kong di makakalimutan. Di ko malilimutan yung ilang minutong masaya tayo doon sa kwarto mo, yung binuhat mo ako ng dalawang beses, yung nakatayo tayo don sa likod ng pintuan ng cabinet mo, yung gabi doon sa office niyo, yung pag-drive natin, yung muntik kang maubusan ng gas, yung gabing nag-usap tayo sa tabi ng bahay namin, yung paghalik mo sa kamay ko; di ko malilimutan yung mga mata mo, yung kulot mong buhok, mga kamay mo, yung yakap mo, yung halik mo, yung boses mo, yung tawa mo, mga joke mong corny minsan; di ko rin malilimutan yung paghila mo sa shirt ko sa likod, yung pagtanggi mo sa pagbayad ko sa gas, yung pagka-bad trip mo kay -----, yung pag-text mong panay "hehehe" at "ahaha," yung paghila mo sa braso ko para yakapin ka habang nagkekwentuhan tayo sa select…at madaming-madami pa. At marami ring pagkakataong maaalala kita. Hindi siguro ako makakakain dun sa pinupuntahan ko sa UP nang di ka naaalala. Feeling ko magugustuhan mo yung pagkain doon. Pag nakakita akong mga anime o Japanese films, malamang ikaw agad maaalala ko. Nagustuhan ko yung Zatoichi maski di ako makapag-concentrate non.
Blanko na utak ko. Pagod na rin akong mag-isip. Pagod nang malungkot. Hihingi ako ng pasensya sa yo, Hindi ko ginustong makasakit ng sinuman. Sorry at nasaktan kita. Sorry talaga.
Mamimiss ko yung pamangkin mo at yung pusa mong si Brandon. Gusto ko pa sana silang makita ulit. Mamimiss ko yung kwarto mo, maski sandali lang ako doon. Parang napakakomportable doon, madaling makasanayan. Higit sa lahat, mamimiss kita. Napakadali mong mahalin.
Hindi ko na siguro matitikman pa yung specialty mong hipon. Sayang. At yung linuto nung kapatid mo, di ko na matitikman ulit. Ang sarap pa naman. Hihingi na lang ako ng pasensya sa mga magulang, mga kapatid at sa hipag mo ha, di ko na sila makikilala pa ng lubos. At sa yo, pasensya na lalo. Gusto ko sanang makilala ka pa, at gusto ko pang magpakilala. Kung nagtuloy tayo, di ko pinagdududahang magiging masaya din tayo.
Sana balang-araw makapag-usap din tayo nang masaya tayong dalawa. Hindi ko nga lang alam kung kaya kong makipag-usap nang di natatandaan ang nakaraan at naiisip kung ano yung maaaring nangyari. Ang saya ko nung araw na iyon sa kwarto mo. Madami pa sanang mga araw tulad non.
Katetext mo lang sa akin. Sabi mo mag-ingat ako dahil umuulan.Tapos "I Will Remember You" pa ni Sarah McLachlan yung tumutugtog dito. Tanginang yan. Kanta ko yun para sa yo. Shit, ayoko nang umiyak.
Mag-iingat ka lagi, Yung mga pangako mo sa akin, tatandaan ko lahat. Mag-iingat ka sa daan! Parang ewan kang mag-drive e. Ano ka ba, konting pagpapahalaga lang sa sarili. Di ka rin dapat nagtetext habang nagmamaneho. At yung sinabi mo sa akin sa office ha. Huwag ka nang gagawa non. Ever. Pag nabalitaan kong gumagawa ka ulit ng ganon, di ako nagbibiro, sasabunutan talaga kita. At hindi lang iyon. At huwag na huwag mo na ring sasaktan ang sarili mo ha, maski banas na banas ka na sa kasama mo at gusto mo lang manahimik. Pucha, pwede namang makuha yan sa matinong usapan e. Hwag mong uulitin yon! At balang-araw, pag mahuhulog ulit ang loob mo sa iba, sana deserving siya, Huwag kang papayag na hindi ka niya pinapahalagahan at rinerespeto. At kailangan mahal na mahal ka rin niya. Sana mabigay niya sa iyo ang lahat lahat nang di ko mabigay. Masarap kang magmahal. Sana maramdaman mo yung katumbas nang binibigay mo.
Sana na-save ko man lang yung mga text mo sa akin. Kaso dalawa na lang yung libre kong space sa phone ko e. Matagal nang ganun. Kaya maski isang message mo, di ko man lang na-save. Ang gaganda pa naman ng mga sinabi mo sa akin. Buti na lang nagsalita ka dun sa tape na binigay mo sa akin para kahit papano maririnig ko pa yung boses mo. Gusto kong naririnig yung boses mo.
Sige, siguro hanggang dito na lang. Ang haba na nito. Gusto ko lang sabihin sa iyo yung nararamdaman ko dahil hindi ko na alam kung kelan ko pa magagawa to. Sya nga pala, ayaw na ni ---- na makipag-text ako sa iyo, o makipag-usap o makipagkita. Siya na ang nagsabi, para sa sarili naman daw niya iyon, kasi ayaw na niyang masaktan. Naiintindihan ko yon, at tama din naman. Hindi ko kasi mapagkakatiwalaan ang sarili ko pag kasama kita e. Yun ang dahilan kung ba't parang namamatay ako ngayong araw. Parang pilit kitang hinuhugot sa puso ko. Hindi ko maipagkakaila na mahal ko siya. At matagal ko na siyang minahal. Sana maintindihan mo ang desisyon ko. Napakahirap para sa akin ang gawin to sa ating lahat.
Tinanong niya sa akin kanina, will I get over you? Ang sagot ko sa kanya oo, pero sa totoo, hindi ko alam. Siguro nga, kasi kung bibigyan mo ng sapat na panahon, lumilipas naman lahat ng bagay, diba? Pero ewan ko. Hindi ko alam, at ayoko. Parang gusto ko laging panghawakan yung mga sandaling magkasama tayo. Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Hindi posibleng magmahal ng dalawang tao, sabi nila. Kaya hindi ko na lang iniintindi kung ano man to. Basta tandaan mo, maski na ngayon o balang-araw ipagkaila natin to sa mga sarili natin, o kung kanino man, minahal kita, at mahal kita. Hindi mo man ako paniwalaan, o pagdudahan ko man to pagdating ng panahon, ito ang nararamdaman ko ngayon. Pasensya po at hindi ako matatag na tao. Hanggang dito lang ang mabibigay ko.
Tatandaan ko lahat ng sinabi mo sa akin. Lahat ng babala at lahat ng mga magagandang sinabi mo sa akin. Hangga't sa makakayanan ko, hindi ko yun lilimutin. Sabi nila, lilipas din ang lahat pagdating ng panahon. Siguro nga. Malungkot isipin, pero malamang ganun na nga ang mangyayari. Alam mo ba hanggang ngayon inaamoy-amoy ko pa yung sweater mo. Pero darating ang araw na mawawala na yung amoy mo don. Siguro alam na natin sa simula pa lang na ganito ang mangyayari. Mahirap lang bumitaw. Napakahirap. Matagal pa kitang dadalhin sa puso ko. At matagal ko pang susuutin itong sweater mo. Maraming salamat sa lahat ng binigay mo sa akin. Ang pag-ibig mo, ang panahon mo, ang puso mo. Salamat din at marami akong natutunan sa iyo. Unang-una na ang pagiging totoo sa sarili at ang pagsunod sa kung ano yung gusto ko. Hindi ko man iyon ma-apply sa kaso natin, pero tinatandaan ko yun sa lahat ng bagay.
Maraming, maraming salamat sa iyo. Hihintayin kita kung saan man tayo ulit magkikita. Mahal kita. Paalam na po.
Love,
---
2.50 pm
Makalipas ang tatlong taon ikinasal ako at nagkaroon ng anak, hindi ko pinagsisisihan ang lahat dahil kung hindi nangyari lahat yun ay hindi ko makikilala ang napangasawa ko at hindi ako magkaka anak na mahal na mahal ko. Hindi rin happy ending ang nagyari sa amin dahil makalipas ang limang taon na pagsasama ay naghiwalay din kami ng nanay ng anak ko na umabot sa punto na mapawalang bisa na ang kasal namin. Pero gaya nga ng sinabi ko kanina, lilipas ang panahon at maghihilom din ang mga sugat. Wala tayong dapat pagsisihan sa mga nangyari. Walang mali, nagamahal ka lang kaya ganun. Ngayon masaya ako sa kinalalagyan ko, kasama ang anak ako na nagbibigay sa akin ng pagasa at nagpapaalala sa akin na hindi ito ang katapusan at mas maging matatag pa sa hamon ng buhay.
12 years na nang mangyari sa akin ang kwentong nakasaad dito. Alam kong masaya na sya sa piling ng kanyang asawa sa ibang bansa na walang iba kundi ang lalaking pinili nya. Hindi rin naging mali ang desisyon na pakawalan sya dahil kahit hindi naging kami sa huli ay nagawa kong isuko sya sa taong magpapasaya sa kanya at mag mamahal ng wagas.
Inaamin ko na sya yung babaeng minahal ko ng sobra noon, sinabi ko din noon na sya ang tadhana ko. Kung maibabalik lang ang panahon ay babalik ako sa taon na hindi pa sila ng kasintahan nya para lang kami ang magkatuluyan, pero kalokohan na yun, hindi pelikula ang buhay para paasahin tayo sa pantasya na hinahangad natin sa katapusan. Mas masakit manakit ang katotohanan at lahat tayo ay walang lusot dito.
Itong naisulat ko ay para sa kanya, para sa pagturo sa akin kung paano maging matatag at mabuhay ng muli. Nailahad ko na ang lahat dito at wala na akong masasabi pa sa kanya kundi.. Paalam at Salamat...
Linggo, Agosto 28, 2016
Isang Gabi...
Matagal tagal narin nung kailan ako huling sumulat sa blog na ito, muntikan ko naring ngang makalimutan ang tungkol dito. Medyo kakaiba ang gabi ngayon kaya siguro nasumpungan kong magsulat ulit dito. May isang pangyayari kasi sa buhay ko na ayaw ko lang siguro makalimutan, kaya siguro gusto kong ikwento ang karanasan na iyon dito. Matagal na panahon narin akong hindi lumalabas na may kasamang babae as in date, unang una kasi hindi na ako kampante sa edad ko at pangalawa di ko na alam kung paano dumiskarte o manligaw man lang, ahaha... Masyado na rin siguro akong naging kumportable bilang binatang ama at walang ibang iniisip maliban sa pagtatrabaho, pag aalaga at pag aasikaso sa anak ko.
Anyway simulan natin ang kwento...
Minsan ay lumabas ako kasama ang isang espesyal na babae, ito ang una naming paglabas, bagay na wala akong ideya kung ano ang magiging daloy ng kwentuhan o mangyayari sa gabing mag kasama kami, Kadalasan kasi magkachat lang kami online. Naiisip kong magpasikat o magpa bida pero alam ko sa sarili ko na hindi ako yung taong ganun. Naniniwala kasi ako na kung magiging totoo ako sa sarili ko at mapatawa ko sya at malibang sa mga kwento ko ay wala akong dapat ipangamba kasi nagbigay sya ng tiwala at kahit wala akong kumpiyansa sa sarili ay pinili nya paring lumabas na kasama ako.
Maganda ang naging resulta ng pag labas namin, napagkwentuhan namin ang nakaraan, hilig at interes namin sa mga bagay bagay, napapatawa ko sya at nalilibang akong makipag usap. Sa madaling salita napaka sarap nyang kausap at kasama, natutulala din ako sa ngiti nya paminsan minsan. Marami syang naging problema at pinagdadaanan sa kasalukuyan at dun ko sya mas naintindihan. Nagkaroon kami ng pagkakaunawaan tungkol sa kung ano ang meron kami na kahit paano ay espesyal. Maging masaya sa kung ano ang meron kami, yun siguro ang pinaka tamang salita kung paano ilalarawan ang nararamdaman namin sa isat isa. maaring tama ako at maari ring nagkakamali ng pagkakaintindi sa bagay na ito.
Lumipas pa ang sandali at di namin namalayan na ilang oras nalang ay magpapakita na ang araw. Medyo nahihilo sya sa ininom namin, sinabi nya na gusto nya munang magpalipas ng oras at baka hindi nya kayaning mag maneho pauwi sa kanila. Sa pagkakataon na iyon ay naisipan naming tumigil muna sa isang lugar at kumuha ng kwarto na pwede naming pagpahingahan. Hindi ako ipokrito pero may mga pumasok sa utak ko na posibleng mangyari sa aming dalawa, ngunit bilang may respeto ay iniwas ko ang sarili ko sa mga bagay na naiisip ko. Hindi ako oportunistang lalake, may respeto ako sa kababaihan. Isa akong ama at ayokong mangyari sa anak kong babae balang araw ang mga bagay na alam kong hindi maganda.
Hinayaan ko syang magpahinga, nakahiga sya sa kama at ako naman sa sofa, inalok nya na humiga ako sa tabi nya at hindi naman daw nya ako pinag iisipan ng masama, kaya tinabihan ko din sya. Hindi ko din napigilan ang antok at nakaidlip ako ng sandali, nang maalimpuntan ako nakita ko ang himbing ng pagtulog nya, nakuha ko syang pag masdan dahil napaka amo ng mukha nya, Masarap ang tulog, patunay lang na may tiwala sya sa akin at hindi sya natakot na baka kung ano ang gawin ko sa kanya.
Nang maalimpunatan sya naisipan kong ialok ang braso ko upang higaan nya, hindi naman sya nag dalawang isip na gawin ito, hinawakan ko ang kamay nya at kumapit din sya at nakatulog kami na magkahawak ang mga kamay. Maraming taon ang dumaan sa akin at sa muling pagkakataon ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganun di ko maipaliwanag pero masarap sa pakiramdam, Niyakap ko sya at hinayaang matulog. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kanya, binalak ko na halikan sya pero alam kong pagsasamantala lang ang gagawin ko. Hindi sya katulad ng ibang babae na nakasama ko na sa ganung lugar na panandalian lang at makalipas ang ilang araw ay magkakalimutan na. Siguro nga tumatanda na talaga ako magisip at hindi na ako mapusok katulad noon, lumipas pa ang oras at kumportable na sya sa braso ko, gusto ko ng tanggalin ang pagkakahiga nya dito dahil nangangalay na ako pero mahigpit syang kumakapit sa braso ko, kaya hinayaan ko nalang at tiniis ang ngawit. Ang mga bagay na naunawaan ko sa pagkakataong iyon ay isang hangarin na maganda at hindi panandalian. Kung mababasa lang nya ito gustong kong sabihin sa kanya na, ligtas ka sa piling ko, aalagaan kita, pagpapahingahin kita para matakasan ang mga problemang pinagdadaanan mo, patatawanin kita at rerespetuhin. Hindi mo na ulit mararanasan ang sakit na ibinigay sayo ng lalakeng pinagkatiwalaan mo at bigla ka nalang iniwan. Hindi ko sinasabing pagmamahal na ang naramdaman ko nung gabi na yun, masyado pang maaga pero sinabi ko sa sarili ko na gusto ko pa syang makilala ng lubos. Gusto ko syang maging masaya kasama ako dahil ganun din ang hinahanap ko.
Natapos ang oras at kaming dalawa ay nagdesisyong umuwi na, Masarap tignan na nakangiti sya nang magpaalam kami sa isat isa. Alam ko rin sa sarili ko na natuwa sya dahil hindi ako katulad ng iba na mapagsamantala. Natutuwa ako na kahit paano ay napasaya ko sya kahit sa napaka simpleng pagkakataon. Kung anuman ang maaring mangyari sa susunod, masasabi ko na basta kasama ko sya at nakikita kong napapasaya ko sya, susuportahan ko sya hangang sa abot ng aking makakaya. Gusto kong makalimutan nya ang nakaraan at salubungin ang bagong araw ng masaya at walang alinlangan, Ngayon nalang ulit ako nakapag sulat dito kasi nga siguro makalipas ang matagal na panahon ay ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganito.
Maaring hindi nya mabasa kahit kailan ang nakasaad dito, hindi ko rin alam kung magkakaroon pa ulit ng pagkakataon na maulit muli ang pangyayaring iyon sa aming dalawa. Hindi rin ako sigurado kung ako lang ba ang nakaramdam ng ganito matapos ang sandaling iyon, pero para sa akin isa itong patunay na hindi parin pala ako manhid. Kaya ko parin palang makaramdam ng ganito at dahil sa bagay na yun gusto kong magpasalamat sa kanya. Maraming salamat at nakilala kita, Salamat sa "Isang Gabi" na ipinaramdam mo sa akin kung paano ulit maging masaya.

Miyerkules, Enero 7, 2015
KABANATA APAT: Ang lihim na liham ni Pedro para kay Insiang
Ang mukha mong maganda, ang iyong mga pekas sa mukha, mga kulubot sa gilid ng mata at ilong, malakas na pag tawa at ang boses mong masarap pakingan. Ganyan ang mga nakikita ko at naririnig sa tuwing magbibitaw ako ng isang biro o nakakatawang kwento. Mga panahon na para bang ang problema ay naidadaan lang sa pagiging masaya, mga sandaling hindi tayo naaapektuhan sa hirap ng mga dumarating na sitwasyon sa buhay. Mga panahon na masasabi kong malaya tayo at masaya..
Maraming taon ang dumaan at nanatili tayong matatag at nabiyayaan ng isang magandang anak at buhay na hindi karangyaan pero nakakatawid sa lahat ng ating mga pangangailangan. Nananatili ang ating katatagan sa simpleng kaligayahan at maipagmamalaki kong sinasabi na masaya ang buhay basta't tayo ay magkakasama. Madalas kong sabihin noon na napaka swerte ko at kasama ko sa buhay ang taong mapagmahal, maintindihin at masiyahin.
Lahat ng tao ay dumarating sa madilim na sandali ng kanilang buhay. Hindi natin namalayan na nasasakluban na pala tayo ng ganitong pagkakataon. Ako ay naging isang duwag at naging kumportable nalang sa kung ano ang meron, naging makasarili at mas pinaiibabaw ang pagka dismaya at galit. Naging bulag para di makita ang mga taong naaapektuhan sa pansarili kong karamdaman.
Unti unti ng nawawala ang saya sa iyong mga mata, unti unting bumibitaw ang pagibig na ating sinumpaan sa hirap at ginhawa. Sa lahat ng iyong kabaitan at wagas na pagmamahal ay nasusuklian ko pa ng galit at kalungkutan hangang sa tuluyan mo ng maramdaman na nagiisa ka nalang at hindi ko man lang natanaw na ang mundo natin ay patuloy na nagugunaw.
Huminto ang pag pintig ang tibok ng puso ay napalitan ng galit, panghihinayang at walang katapusan na katanungan. Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? bakit may mga bagay na kahit ilang beses mong ayusin ay hindi na maaring magawa at mapagana? Ito na ata ang isa sa pinaka madilim na parte ng buhay ko gusto ko ng tapusin at wakasan ngunit hindi ako maaring magapi ng pagsuko at kaduwagan. May anak ako na mahal na mahal ko, kailangan nya ako sa mundo gusto kong ipakita sa kanya kung gaano kasaya ang mabuhay at maiparamdam sa kanya sa araw araw kung gaano sya kamahal ng tatay nya.
Apat na taon na ang nakakaraan ang galit ay tuluyan ng nawala ang pagkakamali ay labis ng naunawaan at naintindihan, nakawala sa pagsisisi at maluwag na natanggap sa puso na wala na sya at ako ay may bagong liwanag ng tinatanaw sa buhay. Hindi maiiwasan ang aming pagkikita dahil kami ay may anak, maayos naming nagagampanan ang aming katungkulan bilang mga magulang. simpleng batian, simpleng paguusap at kamustahan, tanggap na namin ito ng maluwag sa isat isa.
Ang mukha mong maganda, ang iyong mga pekas sa mukha, mga kulubot sa gilid ng mata at ilong, malakas na pag tawa at ang boses mong masarap pakingan. Yan ang mga nakita ko at narinig kanina nung magbibitaw ako ng isang biro at nakakatawang kwento. Kay tagal ko itong hindi nasaksihan at napagmasdan, Napakasarap sa pakiramdam, aminado ako na may tibok sa puso ka na nakaramdam ng kaginhawahan. Ngayon ay buong puso ko ng tinatanggap na ikaw ay malaya na at masaya. Sa bagay na iyon ang lahat para sa akin ay sapat na.

Martes, Agosto 20, 2013
Sa totoo lang...
Salamat naman at lumalabas na ng bansa si bagyong Maring na nagpahirap sa maraming kababayan natin. Hindi na ako magsasalita tungkol dito at alam naman natin kung gaano na karaming tao ang nagsulat tungkol dito at nagbahagi ng mga nakakalungkot na larawan at kwento sa mga social networks.
Ang post ko na ito ay hindi tungkol sa bagyong dumating kundi sa magandang pangyayari na dumating sa akin nitong buong linggo.
Nakasama kita sa napaka ikling panahon, magaan ang loob ko sa'yo kahit hindi pa kita lubusang kilala. Alam kong may mga sitwasyon kang pinagdadaanan at ganun din naman ako, mas malala lang siguro yung sa akin, isama mo narin dun yung dahilan na mas matanda ako sayo.

Kaya mong unawain ang mga sinasabi ko, nagugulat nalang ako minsan kasi mature ang pagiisip mo. Natutuwa ako sa mga ibinabahagi mo tungkol sa'yo, May pagka wirdo ka at mas malala naman ako, mahiyain ka at ako naman ang kabaligtaran mo, nadadala pa ako lalo habang nakatitig sa mga mata mo.
Hindi ko matantya kung ano ang nararamdaman ko pero nung nakasama kita nabatid ko kung ano ito. Humahanga ako sa'yo, hindi ko inaasahan na sa pagiging malakas ko ay ipinakita mo sa akin kung ano ang kahinaan ko.
Maraming tanong at komplikasyon kung dudugtungan ko pa ito pero malaki ang pasasalamat ko dahil napagtanto ko, na kaya ko pa palang makaramdam nito. Pinipigilan ko, para narin sa ikabubuti mo, nililimitahan ko para narin sa kapakanan ko.
Ang tanging hangad ko lamang ay ang kaligayahan mo at kalimutan ang nakaraan na nagpapahirap sa iyo. pilitin mong mas maka usad at gawin ang gusto mo, nang sa gayon ay mas makilala mong muli ang sarili mo.
Maging matatag ka at asahan na nandito lang ako para sumuporta sa iyo. Nagawa mong pahintuin ang mundo ko sa loob lamang ng isang linggo, paano pa kaya sa mga taong mas malalapit sayo.
At kung bakit ko isinulat 'to? ayaw ko lang sigurong makalimutan yung espesyal na pakiramdam na naibahagi mo. Gusto pa sana kitang mas makilala, masyado parin namang maaga. Sa totoo lang...

Martes, Agosto 6, 2013
Kapit lang...
Isang buwan mahigit na pala bago ko naalala na may Blog nga pala ako.. hehehe.. marami lang siguro akong inisip at inasikaso nitong nakaraang buwan. Minsan may ugali talaga akong ganun, na kapag nabaling ang atensyon sa isang pagkaka-abalahan e malimit na nagagawa ko ito ng dire-diretso ngunit kapag nabaling na-naman ulit sa iba ay nakakaligtaan ko na ulit balikan yung mas nauna. At dahil nga naalala ko ito, ako ay maglalahad muli ng panibagong kwento o pahayag man lamang kahit papaano..
Ako ay isang simpleng tao, madaling lumigaya at makuntento sa mga bagay na pinapahalagahan ko, minsan nakakagawa rin ako ng mga desisyon na hindi masyado pinag-iisipan at nauuwi sa hindi magandang resulta. Magulo ang utak ko nitong nakaraang buwan dala narin siguro ng labis na pag iisip sa mga importanteng bagay at mga sitwasyon na hindi madaling iwasan, malimit ko itong hanapan ng lunas, tamang desisyon at kasagutan na unti unti rin namang nalalagpasan. Ang mga bagay na ito ay nangyayari rin sa iba ngunit napapabayaan na mismo ang sarili dahil sa kawalan ng pagasa na madalas mauwi sa pagsuko.
Sa araw na ito, sikapin nating maging mas matatag, sumubok ng mga bagong bagay, kaalaman at libangan para makabangon muli at humarap sa mga hamon ng buhay. Lahat ng bagay ay may solusyon, maaaring madaling sabihin pero mas mabuti pang sumugal kesa walang natututunan sa mga kamaliang napagdaanan.
Ang mensaheng ito ay iniaalay ko sa mga kaibigan na pinanghihinaan ng loob ng dahil sa bigat ng iniisip at problemang dinadala. Tandaan parin natin na minsan lang tayo mabubuhay kaya bigyan natin ito ng magandang kabuluhan at kahulugan. Makaka ahon din tayo kaibigan, basta't Kapit lang. ^_^

Martes, Hunyo 18, 2013
Pikon lang...
Nag aasaran nanaman ang mga fans ng Heat at Spurs ngayong araw, maraming galit kay Lebron at maraming ayaw sa Spurs hehehe.. wala akong team na kinakampihan dahil wala na akong hilig sa basketball mas naaaliw lang ako sa mga taong nag aasaran at nagkakapikunan ng dahil sa labanang ito lalo na ngayong game 6. may isang nag status "Dahil sa pagkatalo ng Heat marami nanamang makikiuso at sasakay sa bandwagon!" bitter?! ahahaha.. Pag hindi kampi sa team mo at nakikisali sa pang aasar e nakikiuso na?, easy lang! yun kaya ang pinaka masarap ang mang asar! lalo na pag napipikon yung kalaban hehehe hindi porket di gaano nanonood ng NBA e nakikiuso na, baka may team lang sya na gusto kaso di naka pasok sa finals, masyado ka lang nahu-hurt siguro kaibigan ahahaha.. sa kabilang panig naman ganun din nung nakakahabol na sa standing ang Heat bibira ng "Marami na-namang makikisakay sa pagdiriwang nila Lechoke James!" at dahil dun meron na-namang nagkasagutan at nagka bastusan sa comments hahaha.. Ang ku-kyut nyo basahin! hahaha.. nang dahil sa finals marami ring naging instant sports analyst! hayup ang gagaling mag review at mamuna ng kapalpakan ng mga players, tinalo pa ang mga coach! pero sa totoong buhay hindi nag ba-basketball at ang masama pa e ayaw maglaro nito. hahaha.. Panay tawa nalang ako dito at nag aabang sa magiging resulta ng laban ngayon. Kung mag champion ang Spurs dahil lamang sila sa panalo e mag aabang ako ng away at asaran sa fb at kung manalo ang Heat at umabot sa game 7 e di lalong masaya at maraming maba-basa! ang mga common na nababasa ko kasi e "Ano mga ang-HEAT?! nanahimik bigla a?!" tsaka "Ano San Antonio? lumabas kayo ngayon mga gurang!!" hahaha.. Meron pa ngang "Na-Mafia" e! nyahaha!! talo lang nagka mafia-han na?!, daming palusot at kesyo pinag bigyan para gumanda ang laban.. Narinig ko na yan! isa akong die hard Ginebra fan at naging dahilan ko narin yan! ahahaha.. Anyway masarap talagang basahin ang pagtatalo ng mga NBA fans ngayong araw na ito. Pasalamat nalang ang Lakers at hindi sila nakapasok at injured din si Kobe Bryant dahil kung sila ang nasa finals ngayon malamang napaka sarap nanaman asarin ng mga Laker fans! hehehe.. Di ako ganun ka adik sa NBA pero pag Lakers na ang topic e nakikisali ako dahil isa ako sa mga haters nito! hahaha.. Dadami nanaman ang mga bibo sa basketball ngayong araw na ito at dun siguradong pasok ang pusta ko dyan. O mag re-react ka? ano pikon lang?
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)